Biyernes, Enero 27, 2017

Mga dapat gawin ng mga kabataan na makakatulong sa kapwa

Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan. Ano ang Maipapamalas mo?


Ang bawat tao ay ipinanganak sa mundo upang gampanan ang kanyang misyon sa buhay. Ang misyong ito ay makakamit sa pamamagitan ng iba't-ibang tungkulin. Wika nga ng marami, tayo ay nasa mundo upang gumanap ng ating misyon. Hindi lamang natin kailangang isagawa o isakatuparan ang mga ito, mahalaga rin na maglaan ng panahon upang unti-unting tuklasin ang mga ito. Patunay laman ito na namumuhay tayo sa mundo hinda para sa ating sarili lamang, kailangan natin gmaglingkod sa ating kapwa. At sa ating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa, mahalaga ang matapat na pagtupad sa ating mga tungkulin.

Ang tungkulin ay laging dapat nagsisimula sa sarili. mahirap isalin sa ibang tao ang responsibilidad kung hindi ito nagsimulang ilapat sa sarili. Bilnag isang tinedyer, may mga bagay na dapat bigyang-pansin upang masabi mong tunay mong natupad ang iyong tungkulin sa sarili.

Mga paraan kung paano maging isang huwaran o matulungin:

1. Mag-aral ng mabuti
Bilang isang kabataan, ang edukasyon ay isang malaking tulong upang maiahon o mapabuti ang kalagayan ng buhay. Kapag ikaw ay nag-aral ng mabuti, makagagawa ka ng mga hakbang upang maging isang mas mabuting haligi ng lipunan. At dahil dito, maari mong mahikayat at mabigya ng inspirasyon ang mga kabataang katulad mo.

2. Sumunod sa batas
Ang pagsunod sa mga batas, gaano man kasimple ay isang marka ng isang huwarang kabataan. Dito makikita ng mga kapwa mo na isa kang huwaran sa pagrespeto sa mga nakatataas. Dahil sa pagsunod mo sa mga batas, makikita ka nila bilang isang miyembro ng lipunan na nagagawang mgaing masaya sa tamang paraan.

3. Magbigay sa Komunidad
Ang isang huwarang kabataan ay isang tao na nagbibigay sa kanyang komindad. alam nya na malaki ang naitulong ng kanyang pamayanan sa kanyang tagumpay kaya hanggat maari ay tinutulungan niya ito, upang mahikayat din ang ibang tao na magsumikap


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento